Nakaloloka o nakakaloka?

Kumusta ang Filipino mo?

Alin nga ba ang tama?

nakaloloka
nakakaloka

Sagot: Kahit alin sa dalawa.

Noong unang panahon, itinuro sa atin na ang inuulit dapat ay ang unang pantig ng salitang-ugat. Bukod pa roon, wala sa ating mga pinag-aralan ang nagsabing maaari tayong mag-ulit ng pantig ng mga panlapi.

Subalit, dahil sa pagkalaganap ng paggamit ng nakaka- o makaka-, itinuturing na ring katanggap-tanggap ang mga ito, lalo na’t mas madali itong gamitin sa code-switching. (Hal. makaka-goal, nakaka-stress)

Dahil mayroon tayong pagpipilian, siguruhin na lamang na ang angkop na anyo ang inyong gagamitin — ayon sa boses ng nais ninyong ihayag.

***

Linggo-linggo, magsusulat kami tungkol sa mga karaniwang pagkakamaling nagagawa natin sa Filipino. Ito ay bilang paghahanda namin sa gaganaping Unang Kumperensiya sa Pagtuturo sa Filipino sa ika-22 ng Oktubre ngayong taon, sa pakikipagkatuwang ng Kagawaran ng Filipino ng Ateneo de Manila University.

2 Comments

Filed under Adarna House

2 responses to “Nakaloloka o nakakaloka?

  1. Arjdalumat

    Thumbs-up! :)

  2. mabuhay ang ebolusyon ng wika.