May mali ba sa mga pangungusap na ito?
Ingat sa ulan, mga friends! Gremlin pa naman kayo!
Sagot: Meron!
Galing sa paksang code-switching noong isang Linggo, ipagpatuloy natin ang usapan sa kung paano ba kapag may kailangan/gusto kang gamiting pangngalang Ingles sa isang Filipinong pangugusap.
Simple lamang: huwag maging redundant!
Sa ating halimbawa, mali ang “mga friends” sapagkat plural na nga ang friends, nilagyan pa ng mga. Napakaraming friends siguro nito, hahahaha.
Pumili lamang — kung maglalagay ng mga, gamitin ang singular form ng iyong English noun, at kung gusto mo naman ng plural form e di tanggalin mo na yung mga.
Kung kaya: Ingat sa ulan, friends! Mga gremlin pa naman kayo!
***
Linggo-linggo, magsusulat kami tungkol sa mga karaniwang pagkakamaling nagagawa natin sa Filipino. Ito ay bilang paghahanda namin sa gaganaping Unang Kumperensiya sa Pagtuturo sa Filipino sa ika-22 ng Oktubre ngayong taon, sa pakikipagkatuwang ng Kagawaran ng Filipino ng Ateneo de Manila University.