Paro-paro, paroparo, o paruparo?

Kumusta ang Filipino mo?

Alin ang tamang pagbabaybay:

paroparo
paruparo
paro-paro

Sagot: paruparo

Tatlong diksiyonaryo ang aming tiningnan (UP Diksiyonaryong Filipino, Vicassan’s Pilipino-English Dictionary, at English-Tagalog Dictionary ni Fr. Leo English) at lahat sila ay ito lamang ang ibinigay na baybay para sa naturang kulisap.

Idamay na natin rito ang isa pang kahawig na kulisap: ang gamugamo. Sa tatlong nabanggit na sanggunian, iisa rin lamang ang pagbabaybay para sa ating gamugamo. Hindi gamo-gamo, hindi gamogamo, kundi gamugamo.

Kaya’t pakatatandaan: para sa dalawang kulisap na ito, walang gitling, isang U at isang O. Paruparo. Gamugamo.

***

Linggo-linggo, magsusulat kami tungkol sa mga karaniwang pagkakamaling nagagawa natin sa Filipino. Ito ay bilang paghahanda namin sa gaganaping Unang Kumperensiya sa Pagtuturo sa Filipino sa ika-22 ng Oktubre ngayong taon, sa pakikipagkatuwang ng Kagawaran ng Filipino ng Ateneo de Manila University.

Advertisement

8 Comments

Filed under Adarna House, Literature & Literacy

8 responses to “Paro-paro, paroparo, o paruparo?

  1. Arjdalumat

    Wonderful info para sa mga mahusay mag-Ingles nguni’t mahina sa sariling wika! :)

    • adarnahouse

      Maraming salamat! At NGUNIT — walang kudlit. May isang entry rin kaming nakahanda para diyan. Stay tuned! ;-)

  2. Mahusay! Ito may magiging kapakipakinabang para sa mga katulad naming mga Pilipino na nakatira sa labas ng bansa at nais na magturo ng ating wika sa aming mga anak :)

    • adarnahouse

      Salamat, Lhot! :) Marami pa kaming susunod na updates tungkol sa mga ito, hanggang dumating ang kumperensya. Sana ay makasubaybay kayo. :)

  3. Nakakatuwa o nakatutuwa!?! Di ko man alam ang tama sa ngayon (titingnan ko na rin sa diksyunaryo :D), basta ang alam ko na ang salitang-ugat na tuwa ay binibigay ng Adarna. More power!

  4. informative! sana may diskusyon tungkol sa update daw sa baybay ng mga salitang inuulit :)

  5. hi! tama po, paruparo kasi hindi ito tunay na salitang inuulit, kaya walang /dash/

  6. adarnahouse

    @Rochelle, tinatanggap po ang pareho: nakakatuwa/nakatutuwa. May isa rin po kaming inihandang entry tungkol dito. :) Salamat!

    @Jerson & Eleanor, salamat! Ang sunod namin update ay tungkol talaga diyan: sa mga salitang inuulit. Abangan! Ü