NG o NANG?

Kumusta ang Filipino mo?

“Ang daldal ni Jay, kuwento [NG o NANG] kuwento!”

Sagot: Ang daldal ni Jay, kuwento NANG kuwento!

Sa paggamit ng NANG, ang nagiging kahulugan ng pangungusap ay: “Ang daldal ni Jay, walang tigil sa pagkukuwento!”

Dahil kapag NG ang ginamit (Ang daldal ni Jay, kuwento ng kuwento!), parang kinuwento ng isang kuwento na ang daldal ni Jay.

Tandaan na ang NG ay ginagamit lamang tuwing ang paggamit ay paari (ibig sabihin paangkin, o possessive sa Ingles). Halimbawa: pagmulat NG mata, sabi NG lolo ko, gabi NG lagim, anak NG Pasig, atbp.

Ang NANG naman ay may pitong iba’t ibang gamit, huwag na nating isa-isahin, pero basta kung hindi NG, e di NANG. Hehe. Pero kung gusto ninyong malaman, maaari kayong sumangguni sa Gabay sa Editing sa Wikang Filipino (Sentro ng Wikang Filipino, 2004). :)

***

Linggo-linggo, magsusulat kami tungkol sa mga karaniwang pagkakamaling nagagawa natin sa Filipino. Ito ay bilang paghahanda namin sa gaganaping Unang Kumperensiya sa Pagtuturo sa Filipino sa ika-22 ng Oktubre ngayong taon, sa pakikipagkatuwang ng Kagawaran ng Filipino ng Ateneo de Manila University.

Advertisement

3 Comments

Filed under Adarna House, Literature & Literacy

3 responses to “NG o NANG?

  1. Interesado kaming dumalo sa Kumperensiya. Maaari bang ipadala sa aking email ang mga detalye nito. Salamat!

    cuevaspf@gmail.com

  2. adarnahouse

    Kapag po kumpleto na ang programa, maglalabas po kami ng PR. At sigurado pong makatatanggap kayo nito. Salamat po sa inyong interes! :)