Mawawala na kami sa kalendaryo sa susunod na taon; ika-31 naming taon ang 2011. Mula nang maitatag kami noong 1980, nakatutok ang aming bawat galaw at pasya sa hangaring maging katuwang ng pamilyang Filipino sa pagpapalaki ng batang may pagkilala sa sarili at sa bayan.
Sa taong ito, lalo naming pagsisikapan ang hangaring ito sa pamamagitan ng mga programang nakatutok sa pagtataguyod ng ating wika at kultura. Nasasabik kaming makasama kayo sa pagpapatunay ng galing at talino ng mga Filipino sa sining, kawanggawa, at pagpapanatili ng ating likas na yaman.
Dahil sa inyo, buong-puso at buong-lakas naming mahaharap ang marami pang taon ng panghihikayat sa mga batang mangarap, maglakbay sa iba’t ibang mundo, namnamin ang kanilang kabataan, at maging taas-noo sa kanilang pagka-Filipino.